Home> Hangzhou in world languages

Made It In China: Lorelei, guro ng matematika na nakabase sa Hangzhou

CGTN| Updated: April 14, 2025 L M S

1-1-6-6.jpg

1-1-6-7.jpg

Ang historikal na pagpapalitan ng mga Pilipino at Tsino ay isa sa pinakamatanda at pinakamatatag sa daigdig.

Sa loob ng mahigit isang libong taon, napagtagumpayan nito ang malalakas na unos, at patuloy itong sumusulong sa bagong bukas.

Samantala, ang pormal na diplomatikong relasyon ng Pilipinas at Tsina ay naitatag noong June 9, 1975.

Mula noon, nakamtan ang maraming bunga sa larangan ng kalakalan’t pamumuhunan, agrikultura, turismo, kultura, ugnayang panlipunan, at marami pang iba.

Sa pagdiriwang ngayong taon ng Ika-50 Anibersaryo ng Pormal na Pagkakatatag ng Relasyong Diplomatiko ng Pilipinas at Tsina, isang espesyal na proyekto ang handog para sa lahat ng Pilipino sa buong mundo.

Sa pangunguna ng Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing, pagpupursige ng mga Konsulada Heneral ng Pilipinas sa Tsina, at tulong ng Serbisyo Filipino – China Media Group bilang media partner, inilunsad ang proyektong “Made It In China” upang mailahad ang mga kagila-gilalas na kuwento ng tagumpay ng mga Pilipino sa Tsina, kanilang kontribusyon sa pag-unlad ng Tsina, at mahalagang biyaya ng Tsina sa pagbuti ng kanilang kabuhayan at pamilya.

Bukod sa mga kuwentong nakasaad sa makukulay na poster, ilalabas din ang mga kuwentong ito sa pamamagitan ng mga mini-dokumentaryong kikiliti sa inyong mga puso at magpapalawak ng inyong pananaw at imahenasyon tungkol sa pamumuhay sa Tsina.

Editor sa nilalaman: Rhio/Jade/Kulas  

Editor sa website: Kulas

1 2 3 4